Monday, March 23, 2009

Kunsabagay

napaisip lang ako,
habang ka-chat ko si daki sa facebook kanina,
nasabi kong,
bumili ako ng bagong damit,
para sa concert-tribute,
para ka tatay ed sa diliman,
na puno ng mga awiting,
masasaya,
makabuluhan,
madamdamin,
at nakapagpapaalala,
sa buhay at kung paano,
nabuhay ang tatay ed,
at kung paano,
sa mga sandaling yaon,
ay hindi dapat iyakan,
ang pangugulila sa kanya,
bagkus,
ay sumabay sa indayog,
sa tugtog at saka kumanta,
at magpasalamat,
na minsan,
ako,
siya,
naging bahagi ng buhay,
ng mga buhay naming isa't isa,
dahil kung hindi duon,wala sanang concert-tribute,
hindi sana ako bibili,
ng bagong damit,
na mababanggit kay daki,
sa chat namin sa facebook,
dahil wala naman akong
ganung maiisip...

No comments:

Post a Comment