Wednesday, March 4, 2009

Trip to Quiapo *not by Ricky Lee

Sunday. Restday ko.
Sa layunin kong maiba naman ang araw ko, bukod sa kumain, matulog, manuod ng tv at matulog at kumain ulit, ngdecide akong pumunta ng Quiapo para bumili ng materials for beadworks. Bakit beadworks? Wala lang. HIndi ko naman balak kumpetensyahin yung kebigan kong naging kagalit sa opis sa pagtitinda ng mga bracelets at iba pang shenanigans. Gusto ko lang may magawa at mapuntahan iba bukod sa kusina namin.

Mula sa amin sa Guadalupe, maraming daan patungo sa Quiapo. Yung pinaka sanay ako yung tinahak ko-- Taft sakay ng dyip byaheng Guadalupe-L Guinto-Bukid. Padating sa me San Andres, me nakita akong internetan na nag-oofer ng Scanning Service na 5pesos lang. Waw. Isip ko. Sa amin kasi, 10 or kinse. Pumara ako kahit na yung binayad ko eh diretso.

Bago ako makarating dun sa mismong internetan, me madadaanan kang karinderya/videokehan na duda ko eh nagiging kabaret din sa gabi dahil me paskin na "Wanted GRO with pleasing personality and fair skin" *kailangan talaga fair skin?* Sa harap nun, me mga nakasabit na damit sa mahabang makeshift na banggerahan gawa sa tubong me dalawang dipa ang haba at ilang dangkal na kahoy.

Aminin niyo, sa mga ukayan, ang unang nakakatawag ng pansin eh yung matitingkad na kulay na damit at kung paano sila maayos na nakasalansan ayon sa grupo nila-- tshirt sa tshirt, pantalon, shorts at bestida. So ayun, hawi-hawi ng konti sa mga nakasabit. Maya maya, may babaeng lumapit sa kin at ngtanong:

Ate: Ay, ay ate anu po yun.

Ako: *hmm hmmm hmm* Ay teh, magkano po to?

Ate: ang alin?

Ako: eto pong tshirt tsaka tong jacket?

Ate: ay hindi po, sinampay po namin yan.

Ako: *mapula yung tenga at namamaso* Ay sorry. Infairness, maganda po yung mga damit niyo huh. good Job. *as in yun yung sinabi ko*

Sabay sakay sa rumaragasang dyip na paparating, ni hindi man lang tiningnan ang sign board kung saan papunta.

FIN.

No comments:

Post a Comment