Monday, July 20, 2009

facebook status, 072009: basta ako, masaya ngayon.

bahala na mamaya.
bahala na bukas.
basta ngayun, masaya ako.


kung ano at anu man yun
na nagpapasaya sa akin ngayun,
akin nalang yun.
basta ang mahalaga,
ako, masaya ngayon.


kung bukas hindi na
kung mamaya, wala na,
ok lang.
basta ngayon, ako masaya.


ah basta.

Sunday, July 12, 2009

under construction yung multiply site ko. i half abandoned dramatista.multiply.com for some reasons beyond my control tsaka dhail gusto ko lang. lol. you can now find me in karenderya.multiply.com. bakya na kung bakya pero para sa kin cute naman yung play ng word. anyway, hindi pa rin yun complete pero dun na ako ngaun nguupload ng mga bagongs posts. so for the meantime, im writing this thru my fishdrownedinwater.blogspot.com site. hectic. feeling sikat. nyahaha.

antagal na nung huling post ko, bukod dun sa mga imported entries from my friendster site. kaya siguro napupuno na naman yung utak ko ng mga walang sense na bagay, kaya kagaya ng pensieve ni Dumbledore, kelangan bawasan ng onti, saan pa ilalagay kundi syemps dito.

may 2 buwan na ako halos nalipat ng account. from Wa
Mu, transfer na ang lola mo sa Manila Federal Sales. First batch, ako lang yung supervisor under training. nakakaculture shock kasi sobrang onti lang ng tao, kumpara sa pinaggalingan ko, na limampu halos kaming supervisor, hagard talaga ngaun.

me mga hindi masyadong mgandang nagyari sa training na ikinapangamba ng kaseguruhan ng trabaho namin, pero until then, enjoy muna while it lasts.

Nakaadjust na rin ako sa mga tao kong kasama pero andun pa rin yung namimiss mo yung mga dati mong ginagawa ksama yung mga kebigan mong kebs ang din sa mundo ang drama. he he. pressured ngaun kasi lahat ng mata nakatingin seo. Parang konting galaw mo eh me masasabi sayo. pero dahil kebs lang ako sa sasabihin nila, ayos lang.

pero ngayun, habang sinusulat ko ito. sa ilang buwan naming pagsasama nung bago kong kapamilya, mas iknalungkot ko dahil:

-alam akong hindi magtatagal, sigurado akong mawwipe out kaming lahat; kundi matapos ung kontrata, baka materminate kami.
-maghihiwa-hiwalay kami kapag natapos ang ramp. karamihan uuwi ng baguio dahil andun talaga ang site nila. kami andito lang s maynila.
-na kung kelan gamay mo na yung account, pati mga tao, sooner than later, mawawala din ang lahat ng ito. kaya kailangan ding paghandaan yun.

higit sa lahat, ngaun naguguluhan ako. college pa ko nung naalala kong huling sumagi sa akin ang gantong pakiramdam. pero imbes na matuwa ako, naguluhan akong bigla.
hindi pwede. dahil maling tao. at maling pagkakataon.
sobrang late na ba para magkaron ng mga ganitong klaseng krisis?

Sunday, July 5, 2009

In Memoriam: Ana Escalante Neri 1978-2007 July 22nd, 2007



me see the story of your life in your perspective–


the lenses will explain how you see beauty in all things,
which now i kept on asking as to why, but i won’t…


let the words you weaved be the witness that you lived…


and if by chance, you pass by the Atlantis, tell them that we’re on our way and that life here is savage and ruthless…




thank you Ana. you are finally home…

In Memoriam: Ana Escalante Neri 1978-2007 July 22nd, 2007



i met her in summer of 2006. it was in a writer’s workshop in up which she was a fellow and which i was part of the secretariat . it wasn’t hard to be enthralled by her personality. she was beaming the whole time.


at breakfast, when all of us gather around the banquet in the UP guest house, when she wouldn’t utter a word, she’ll smile.


at night, we would sit by the dock by the bay to be enchanted by the sound of the waves and her endless stories. just that. and before we sleep, we’ll utter our unending goodbyes and good nights to each other along with the other people in the workshop.


on the workshop’s last night, we danced in magsaysay on our way to the closing ceremonies in kapitolyo and had our flowing skirts soaked in puddles as we sashayed in the misty night of tacloban. i no longer wear the skirt these days. I have grown bigger; so as my world.


remember how the tricycle drivers annoyingly whistled as we pass by them, and how you faced them with a funny face. i thought how cool you were.




sadly, it was just that summer.



written 7.22.07; edited and posted 4.12.09

ano daw? July 19th, 2006

sabi sa libro " where the heart is" ni billie letts, kailangan daw na ang mga pangalan na ibibigay sa mga magiging anak mo ay kailangang matatag. ung tipong kayang suungin ang karahasan ng buhay at manatiling matatag sa kabila ng lahat.


para sa akin, ang mga pangalang ibinigay sa atin ng ating mga magulang ay nagsasalamin din ng kanilang pagkatao at interes sa mga bagay-bagay. sa kaso ko, kayo na ang humusga sa mga susunod pang mga talata.
ang pangalan kong karen ay random lang na naisip ng nanay ko. maswerte nalang at me karen carpenter kaya mejo me napaghuhugutan ako ng isasagot kapag tinatanong na ng teacher ko nung grade 1 kung san galing ang mga pangalan namin. gusto sana ng tatay ko e karen lalaine ang pangalan ko kaso lng kinontra ng nanay ko kasi masyado daw mahaba. kawawa naman daw ako kung paglaki ko eh maging bobo ako at mahirapan sa pagsulat. eh pano yan, eh aherm.


ang mga sumusunod ay ilan sa mga popular na tawag sa akin ng mga tao sa paligid ko

- karen- kadalasan mga acquaintance, syempre very basic. first name ko.matipid masyado.sa unang araw ng klase, syempre perstneym basis.


- karen kaye- naalala ko nung grade one ako, pinilit ako ng teacher kong gamitin ang pangalawang pangalang "kaye" kadugtong ng pangalan ko, mas bagay daw kasi na kapareha ng karen. madalas kong sabihin sa kanyang hindi nman un ang pangalan ko pero mapilit siya kaya sinunod ko nlang din sya. isa pa, cute nman ang may kaye sa pangalan. nang lumaon, bago ako maggrade two, nakita niya ang file ko at ipinatawag ako. tanong niya, "e karen lang naman pla ang pangalan mo, bakit gamit ka ng gamit ng kaye?". simula nun ang napagtanto ko na ang mundo ay magiging ganito. gaguhan.


- karac- tawag ng mga classmate ko nung high school,kasama na rin ng principal namin at mga teachers ko. pang.mock lang nila nung una. at tuluyan nang nakasanayan. sa kalaunan, naging tawag na rin ng ilang kaibigan ko sa college at ni mam dinky. ito rin ang pangalang nakatatak sa mga libro ko. kung merong nagawi sa yo, pakisauli nman…


- kaka- tawag ng mga pinsan at pamangkin kong bata. generally mga bata. mula sa natututo palang magsalita hanggang sa mga batang tamad magsalita.


- karidad- ay naku, dumaan din ako sa pangalang ito. tawag ng pinaka.favorite kong lolo sa akin.ay sensya, siya lang pala ang lolo kong nkagisnan, ever since.


- ka- tawag ng mga barkada ko sa college na close sa akin. pati ni mam merl at ni lakan. so far, itong tawag na to sa akin ang pinaka.nattouch ako pagnaririnig ko. wen someone calls me by this name, parang dapat pakinggan talaga dapat .


- ayen or yen- my dad, and my cousins na kasabayan kong lumaki


- kara- eto pasosyal na mejo matino, hindi mo aakalaing tawag to sa kin. ang tita kong si "monkey girl" ang madalas tumawag nito sa akin.


- twinkle- mga online frends. period.


- madam- pagtinawag mo ako nito, malamang taga-UP ka.


- paminta o yena- besprend cguro kita. pero isa lang tumatawag nito sa kin.


- braveheart- dati merong tumatawag nito sa akin. gabi gabi.ngayon, ms. raagas na ang tawag niya sa kin.


- ms. raagas- cguro professor kita at hindi tayo magkaibigan at nahuli mo akong nagtetext sa klase mo. o kaya, empleyado ka sa college sec ng UP.


- psst, hoy o uy- kung nakasabay kita sa bus o mrt o tricycle at hindi kita kilala. pag tinawag mo ko nito, malamang mahambalos kita.


bat ko ba to nasulat?wala. sayang ang miles.