Sunday, August 30, 2009

Karen's Birthday Wishlist at Ilang Ka-Emo-han

Nung mas bata bata pa ako, 1 month before and after my birthday, which is september 16, pwede na akong mag-umarte. Salamat sa mga kunsintidor kong mga kaibigan, lalo na nung college, hinahayaan nila akong umarte hanggat kelan ko gusto, tutal 2 buwan lang naman yun sa loob ng isang taon. Ngaun, hindi na masyado. Nakakalimutan ko na nga umarte bago ako mag-birthday. Ayoko lang dumating yung time na makalimutan ko pati na yung mismong araw na pala ng birthday ko.


Anyway, for old time's sake, magsusulat pa rin ako ng mga gusto kong matanggap sa birthday ko. Kahit na alam ko, wala diyan yung talagang natutupad. hehe. Kagaya din ng Xmas wishlist, keri na rin, basta may ma-post lang. At me mabasa lang ng mga kaibigan ko--malay ko naman kung balang araw tandaan nila yun. Ayun, eto yung mga malayo at malapit sa katotohonan kong gustong makuha/matanggap:


nikon d60 *umasenso na, d40 lang yan dati eh
ipod 160gb
external dvd rom
dsl connection *spare me from the globe broadband hell. puhleez.
gitara *which I asked my dad to buy at mukang nauto ko naman
fearless album ni taylor swift
havaianas IPE yung green, yung may toucan ata yun. 39-40 ang size ko
jansport na backpack, dahil hindi na kasya yung mga gamit ko papuntang unibersidad.
yung bagong libro ni ricky lee
world peace pa rin!
harajuku na parang diaper bag ang laki
super pilipinas na odm watch *alam ko luma na to. keber.
tiffany and co. na ring
book 7 ng harry potter
premium account sa multiply
yung buong 36 designs ng hello kitty toys sa happy meal ngaun
isang malaking orig na hello kitty na stuffed toy




yun na muna.




pero yung pinaka gusto ko sa lahat tlaga?




sulat. napakaraming sulat. sulat sa laht ng kaibigan ko. oo, ikaw na nagbabasa nito ngaun-- yung mga bagay na hindi mo sa akin nasabi kasi matagal tayung hindi nagkita at nagkatsismisan; yung mga bagay na gusto mong itanong sa kin pero hindi mo maitanong kasi nahihiya ka dahil feeling mo iba na yung konteksto ngaun; yung mga bagay na ikinagagalit mo sa kin dahil matagal akong nawala, nawawala, mawawala; o kahit ano lang basta may isinulat ka.




higit sa lahat, sana sulatan niya ako. siya na nagpramis sa aking ipagddrive ako papuntang sagada kapag me panahon na kming mas mahaba dahil masayang pumunta dun ng hindi nagmamadali dahil iniisip mo pa yung pasok mo pagkalunes; siyang nagbago ng mga pananaw ko sa mundo bago ako tumuntong ng 24; siya na hindi nanunuod ng indie films at ng mga pelikulang tagalog na balang araw eh gagawin ko; siya na nagpalungkot sa akin dahil posibleng hindi niya panuorin ang mga pelikulang gagawin ko sa nalalapit na panahon; siya na nangako na magdadaan sa cultural evolution para maintindihan at unawain ang larangan kong napili; siya na nagpaiyak sa kin ng maraming ulit dahil sa mga banat niya tuwing nagsusumbong ako sa mga umapi sa akin; siya na hindi ako pinapansin ngayon; siya na uuwi na sa kanyang pinanggalingan kung kaya nagsasanay ako kung paano bumalik din sa dati kong gawi...


eto yung address ko:
418 laurilla st pitogo makati city 1212




kahit yun lang. kahit wala na yung iba.

No comments:

Post a Comment