Friday, February 4, 2011

Feb-ibig Series

February 1, 2011 entry

 
haha.
Feeling ko kasi magiging maganda and buwan na to sa kin--simula palang. 
Isang linggo akong training mode (again) at isang linggo din akong day shift, as in 8am to 5pm.
Asteg kasi, kahit na 5 years na ako halos sa colcenter biz, iba pa rin yung feeling na natutulog ka ng normal at sumasabay ka sa init at pawis na manggagawang Pilipino sa umaga. 
Eto yun. Bukod sa napapanuod ko ang remake ng Mara Clara sa gabi, at nakakapag stroll stroll pa ako sa hapon sa Ayala Triangle diretso ng Glorietta.


Kumpleto din ang mga kainan sa labas ng JAKA. Hndi yung puro Jolijeep lang ang makakainan--masarap na, marumi pa!
--
I ate at McDo earlier, kasama si Tasha, Liz, Mew, Jacqui and Main. 
Antagal ko na rin hindi nakakakain sa McDo ng Cheeseburger. Sa normal shift ko kasi, bilang hanggang 10 lang sila, sarado na sila lagi kapag lunch ko na (which is around 3 or 4 am). Nakakatamad naman tumawid sa kabilang kalsada para lang kumain so kebs na.
So happyness talaga ang double cheeseburger, medium fries and coke kanina. 
Naispatan ko din ang laruang ito sa may kisok nila so sa kung anong ka-randoman, binili ko din to.




Super tagal na netong toy na pinagbili sa McDo.
Naalala ko na college pa ko nung pinadalhan ako ni ina ng ganito, isang horse at isang tiger.
Yung tiger, binigay ko kay Mam Merl at nakasabit ngayon sa mga aklatan nia, at yung horse naman , asa Leyte pa ata. Mejo chaka kasi yun.
2004, to be exact, ayon sa papel na kasama ng toy.
Eto si Snakey--




mukang ulo ng pagong



at katawan na parang bunga ng kamachile :)

Pero groovyng groovy sa sparkly sparkly niang outfit. Aminin mo.
--
Kumain kami sa Banapple, kasama ang tatlong agents ko at isang galing sa ibang team.
As always, naumay na naman kami sa blueberry cheesecake, oreo brownie fudge cheesecake at ang makapanindig balahibo sa tamis na inorder ko-- two-nut caramel cheesecake. 
Sayang tinotopak yung Instagram ko, so hindi ko mapost yung mga pics.
--
Habang kumakain at nagkkwentuhan, hindi malalayo na hindi mapagusapan ang trabaho.
Higit sa lahat ang pressure. Lalo na dun sa isang hindi galing sa team ko.


Hindi ako marunong mampressure. Lalo na sa work.
Eto ang target mo, ang target ng team at target ng site. Sa bawat kibot mo, naaapektuhan hindi lang ang stats mo kundi pati ang team at ng site. 
Wala akong pakelam kung paano mo mararating yan, basta wala kang tinatapakan at inaargabya at hindi ka nangdadaya sa anumang paraan, kerri lang yan. Kapag di mo na alam kung paano makarating sa target, ask me. Kung hindi ko alam, aalamin natin ng sabay.
Gusto ko, sa kanila mismo nanggagaling ang hiya. Kaakibat nun, ang respeto-- sa mga sarili nila, at pati na rin sa akin, bilang sup nila.
Sabay banat ng isa kong agent, "Sup, yung palakad mo, parang prof sa UP."
Ngayon ko lang narealize yun. 
Pero ever since, ganun na ako mglead sa mga tao ko. 
Ako din kasi, I work better ng chill lang. Never pa naman ako nafail ng strategy kong yun.


Yung isang agent, na hindi galing sa team ko, habang nagkkwento, eh bigla nalang naluha. 
Pressure sa sup niya, pressure pa ulet sa mga ka-team niyang beterano na sa call center.
Matagal na rin tong kumukuda sa akin na kunin ko na daw siya. Sabi ko, pwede, kaso may hazing muna. It's the pain that binds us kasi. After nun, the fun never stops naman na. hehe.


Pwede naman. Kaso nakakahiya sa sup niya ngayon. 
Kasi kung walang problema, bakit siya lilipat? Wala siyang mairarason. At isa pa, maski anong assurance niya kung sakali sa sup niya, there's no easy way to break somebody's heart. naks.
So 'ika ko, pray nalang sya.
--
Pag-uwi ko, pasalubong ko si Snakey kay Mitchi.
Natuwa naman siya. 
Pero mas nasorpresa ako na Year of the Snake pala siya.
Sakto.
-----
Ang saya ng araw na to.
Feeling ko, magiging maganda ang buwang ito para sa akin. :))

No comments:

Post a Comment