Wednesday, February 23, 2011

Paano?

Paano kang magpapaalam sa isang taong ni minsan eh hindi mo naman nakausap, nakasalamuha pero siniraan ka sa ibang tao, inismiran, tinawag ng kung anu- anong pangalan, at ginawan ng kung ano anu-anong kwento?

At paano kung buong buhay mo din ay sinumpa mo siya at kinamuhian at tinawag mo din ng kung anu-anong pangalan?
Paano kung sinara mo na lahat ng maaaring komunikasyon mo sa kanya ng malaon na?
Paano kung pinsang buo mo yun?

Pero--
Paano kung kailangan na niyang umalis-- ng walang balikan?
Paano ka magpapaalam?

Simple lang.
Buksan ang puso at magpatawad.
Pagkatapos humingi ng tawad.
Ibulong mo sa hangin ng bukal sa damdamin--
sa pag-asang iyon ay makagaan
ng kanyang daladalahan
sa kanyang paglisan.

Paalam Ate Day. At patawad.


Peb 21, 2011

No comments:

Post a Comment