Friday, February 4, 2011

Rainydays and Wednesdays

February 3, 2011 entry:

Parang kahapon lang ang saya-saya pa ng entry ko tas ngayon, parang me bagyo.
Sa normal ways ng nature, rain muna bago rainbow.
Sa kin, rainbow muna bago typhoon.

---
Parang kakasabi ko lang kahapon na normal na tao week ako ngayong linggo. But I spoke too soon. Bilang
haggard ang panahon ngayon sa states, karamihan ng contact centers namin duon ay nagsara, so kinailangan ng mas maraming tao na asa phones para sumagot ng tawag, so balik phones kami imbes na chill lang sa training.

Kerri lang sana ang balik phones kasi masaya naman sa floor talaga. Ang siste, kung kelan nasa FX ka na,
papasok, kung kelan andun na sa lobby lahat ng mga ahente na dapat eh nakatraining saka ka tatawagan ng
manager mo na kansel ang training at papasok kayu mamayang gabi na rin mismo.

Alam kong isasampal na naman ang sinumpaang flexibility sa akin nung job offer, pero sana, maski very
light lang, magkaroon sana ng konsepto ng body clock adjustment na hindi mamaya na agad. Akala ata eh
literal yung body clock na pwedeng iadjust gaya ng quartz.

Sana may konsepto ng pagcascade ng info the day before para hindi nagaaksaya ng pamasahe, ng oras at
effort. Lalo pa sa panahon ngayon, isang linggo bago magsweldo, peligroso na ang mga wallet.

But then again, FLEXIBILITY.
Tapos na ang rant na to.

---

Kung kelan ka pa badtrip, saka mo pa malalaman na yung x-crush mo na isinumpa mo na sa punong kahoy eh asa floor mo pala.
Yung x-crush mong ayaw mo na sanang makita kailanman dahil pag naalala mo yung mga pinaggagagawa mo nuon eh namumuhi ka lang lalo sa sarili mo.

At higit sa lahat, kung yung jowa mo mismo pa ang nagbalita na anjan sya ngayon sa floor mo at inaalaska ka
pa.

---

Hindi ko na yun kinakausap.
Si x.
Kasi wala naman na kaming pag-uusapan.

Iniisip ko nga, bakit niya ba ako kinakausap dati? E malamang sa malamang alam naman niya ang lahat.
Kaya kung hindi rin lang tungkol sa trabaho, kebs na.
Wala nang Hi o Hello.
Pasalamat nalang sa kung kanino na hindi ko pa siya na-block user sa FB.

---

Ganun ako kasama.
Ang tapos na ay tapos na.
Sa relasyon, sa kaibigan, maski sa kapamilya.
Kapag tapos na, tapos na.
Ke nagwork o hindi, matagal o sandali lang
pagdineclare ko nang "that's it! i'm through with it!" yun na yun.

Kansel na.

---

Hindi mo yung maiintindihan.
Kasi mabait ka. Salbahe ako.
Hindi mo yun maiintindihan kasi
hindi naman ako ikaw.

Kung irrational ang ganung reaction,
ang maging insecure ako sa lahat ng oras na kausap at katext mo yung X mo,
wala akong magagawa.
Hindi ko kayang iexplain yun.

At hanggang nabubuhay pa yun,
at tayu pa,
at mahal pa kita,

magiging ganun pa din yun.

No comments:

Post a Comment