Monday, March 28, 2011

Seeing Green

Mga kaganapan sa Opening ng Synergy-- pero medyo partial of course sa Financial team  :)











ang beriberikyut na mascot namin

Friday, March 25, 2011

Ang Tamaan-- You Deserve it.

ang magaling na sailor ay hindi nasusukat kapag walang alon.
gaya ng, ang magaling na supervisor ay hindi namimili ng agent--magaling man o hindi.

dahil--
ang magagaling na agents na napupunta sa kanya,
mas lalo niang pinagagaling.
at ang mga hindi masyadong magagaling ay tinuturuan niang mag-aspire na maging magaling at tuturuan niya kung paanong maging magaling.

bato bato sa langit,
ang tamaan-- you deserve it.

Monday, March 21, 2011

Sabader SleepOber


Eh kasi nga wala na kaming masyadong mga pera so ang drama namin, cook out nlang-- saan pa eh di sa apartment ni Bodge para maiba lang naman. 

Habang nagluluto si Wence sa baba at si Mitchi naman ay nakikilamay sa may Quezon Ave., eto ang eksena sa balkonahe ni Bodge:

(Tina, Jem at Ako sa barindilyas ng balkonahe habang nakatingin sa mga dumadaang mga nagtitinda)

Ako: asteg talaga dito kina Bodge no. Sentro ng kalakalan yung street nila.
Jem: Sentro ng kalakalan talaga? 
Tina: haha honga. ayun may mga kendi pa sa kariton. Masarap jan yung dilis or pusit.
Ako: Honga. pati yung mga kendi. Kaso wag na, mapapashopping na naman ako. Bawal na pa naman ako sa matatamis.

(ilang segundong silence)

Ako: Manoooooong! wait laaaaaaang! Pabileeeeeee!

(Jem, Tina at ako--unahan mgtsinelas at bumaba sa hagdan.)







etoo ang nashopping ko: gummy bears para kay Mitchi na galet dahil iniwan namin.
Kay Jem naman yung dodo.

Mango float na gawa ni Wence

ang alay naming picture kay Abet



Si Jem na dalawang araw nang hindi naliligo


Naman. at ang kanta? Shemps Top of the World! maski nakapikit pa yan!

tas may isang epal. nakipantay din.












inuman nalang yung mga bakla. haha




sa wakas, nakaligo na rin.


Ang sleepover na ito ay mula Sabado ng umaga hanggang lunes ng umaga.
Si Jem ay napagalitan pa ng nanay niya bilang itinakas ang Magic Sing na saktong Piyesta pa naman sa kanila.
Pero bati na sila as of this writing.

Ang sarap ng feeling ng gantong mga endeavors. Lalo na kung the previous shift, bago ung sleepover ay nagtake ka at nakapasa (with flying colors) sa isang Certification program :)


At syempre, nakita mo pa ang superkaduper moon!


This is Layp!

Thursday, March 17, 2011

Sa Paglipat ng Account namin sa Ortigas...

ang kuda ng mga ahente:

Madam, mas madaling humanap ng bagong trabaho kesa sa bagong apartment.

Pak. Wala akong naisagot. haha.

Monday, March 14, 2011

Eh kasi naman no...

nakakaimbyerna ang mga ngkakalat ng kung anu-anong scare texts at mga echos na status sa walls nila!
pati yung head designer ni Hello Kitty ginawang deads na eh si ate Yuko Yamaguchi eh samantalang alive and kicking pa yung full bangs niya! grrrr.

Hence this angas to the FB news feed:


There.

I miss you Kenikenken!

Dahil siya ang kinamulatan kong cartoon sa Kule nung college pa ako at siya rin ang pinakadahilan kung bakit nagkukumahog ako sa libe para tingnan kung me bagong dating ng Kule galing Diliman:




i <3 Ken. mgpublish ka na ng book puhleez!

mga imahe mula sa kenikenken99.multiply.com :)

Saturday, March 12, 2011

Bakit...

merun kang mga boss na oks na lang na maging kaibigan
pero kansel na maging katrabaho at siyang ngmamando?

at bakit,

merung mga boss
na gusto mo lang maging boss at katrabaho--
at ayaw mong maging kaibigan.

hehe. napaisip lang. :P

Lumelevel-UP!

Ang karenderya.blogspot.com ay http://www.karenderya.com/ na!


umaasenso. alam mo yan :P

Thursday, March 10, 2011

15 days. 15 Very Crucial Days

Weigh in na kasi sa 25.

May pustahan kasi kaming malupit sa office-- The Biggest Loser Servicing Edition.
Lahat lang ng supes at manager ng Sales at Servicing. Ang goal, natural, kung sinu ang may pinakamalaking percentage ng weight loss after 2 months gets to bring home 40k pesos in cold cash. Tig-2k ang pusta kada isa. 20 ang kasali.

Nagtry kaming magbadminton, from once a week naging twice hanggang sa none a week.
Minsan, may dala kaming raketa pero ang tuloy namin hindi sa court-- sa Banapple.
Mas lalong iniisip mo kasing kailangan mong pumayat at wag kuamin masyado, lalo kong naiisip na parang kawawa ko naman, therefore mas npapakain ako ng marami. haaay.

Ngayon, 15 days bago yung final weigh in, last chance ko na para humabol, kasi nung weigh in namin last month, 5 pounds lang ang nabawas ko. Isang buwan yung. Jusko.

Kaya maski naamoy ko ang chicken at spaghetti ng Jollibee, maski naiisip ko ang caramel almond cheesecake sa Banapple-- deadma lang. Para sa pambili ko ng kotseng kuba o ng MACbook, kerring kerri ko naman siguro to. Waaaaaaah.



Sana 25 na bukas.

Tuesday, March 8, 2011

Office Maladies

Our HR department has finally taken over Project Runway and has continuously been launching Monday Dress Up activities with the guinea pigs, of course, us the Supervisors.

I'm not complaining. As a matter of fact I'm actually enjoying it. And so as my team.

The most recent was just last night, dressing up in Glam Rock Theme. I came as Lady Gaga gone askew.


This one's not HR initiative but let me included this as well since I was able to get some GCs for this as well.
I was best dressed for Female Category as the Villainous Red Queen from Wonderland. MadHatter, also from my Team was Best Dressed Male while my whole ensemble, won Best Dressed Team.





I was runner up during the Cosplay, again intiatd by HR.
I was supposed to copy Temari from Naruto. The dress up was ok, though if you are a Naruto fan, my attempt to imitate Temari was a big failure. If not for the big fan as my props, people are still going to ask who I'm supposed to be.





Until the next.
Ciao!