Thursday, March 10, 2011

15 days. 15 Very Crucial Days

Weigh in na kasi sa 25.

May pustahan kasi kaming malupit sa office-- The Biggest Loser Servicing Edition.
Lahat lang ng supes at manager ng Sales at Servicing. Ang goal, natural, kung sinu ang may pinakamalaking percentage ng weight loss after 2 months gets to bring home 40k pesos in cold cash. Tig-2k ang pusta kada isa. 20 ang kasali.

Nagtry kaming magbadminton, from once a week naging twice hanggang sa none a week.
Minsan, may dala kaming raketa pero ang tuloy namin hindi sa court-- sa Banapple.
Mas lalong iniisip mo kasing kailangan mong pumayat at wag kuamin masyado, lalo kong naiisip na parang kawawa ko naman, therefore mas npapakain ako ng marami. haaay.

Ngayon, 15 days bago yung final weigh in, last chance ko na para humabol, kasi nung weigh in namin last month, 5 pounds lang ang nabawas ko. Isang buwan yung. Jusko.

Kaya maski naamoy ko ang chicken at spaghetti ng Jollibee, maski naiisip ko ang caramel almond cheesecake sa Banapple-- deadma lang. Para sa pambili ko ng kotseng kuba o ng MACbook, kerring kerri ko naman siguro to. Waaaaaaah.



Sana 25 na bukas.

No comments:

Post a Comment