Sunday, July 31, 2011

Babay.

Namatay yung 2 kong goldfish dahil nasira yung air pump ko.

wala din makapagampon sa kanila dahil walang may mga aquarium sa amin. Yung kaisa-isang kapitbahay naming may tank eh arowana pa yung alaga. At yung mismong may-ari eh mga maliliit na goldfish ang pinapakain.

Hindi ko alam kung mas maigi bang namatay sila dahil sa nawalan ng oxygen sa tubig o sa kung ni-try kong sagipin sila at ipinakilagay sa tank na may arowana kaso nga lang kada minuto ng buhay nila ay nasa panganib na maging meryenda sila ng arowana. ok na rin siguro ang desisyon ko. At least namatay silang payapa. Or maybe.

Paalam sa inyong dalawa--Yin at Yang. Sana may Heaven Pond or Tank din at sana dun kayu mapunta :)

Monday, July 25, 2011

New Shoes


Kasi kinakarir ko sana yung Vans na Hello Kitty edition kaso ang mahal. Eh bukod kay Kitty, hindi ko nman masyadong bet ang Vans. Kaya ito nlang.

Thanks Chi :)

Sunday, July 24, 2011

Cinemalaya 2011

We gave up the dream of watching "Babae sa Septic Tank" because of its elusive schedules.
Sold out lahat! OA!

When the film started to hit the nearby local cinema that is Greenbelt 5, puro hapon naman ang palabas so kamusta naman ang tulog ko kung matatapos ang screening ng 5 ng hapon and 10 pm ang shift ko diba.
So we waited and waited until my managers Heidee and Hettie even our AVP Tsok has given up the quest.
Bukod sa Babae sa Septic, we also wanted to watch Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington but we had the same fate.


So after a hefty brunch at Salcedo Park with Ethan, Hettie, Biboi, MItch and Yna, Mitchi and I decided to just go to Glorietta before heading home. While at the mall, MItchi's agents texted that they were on their way to CCP to watch Babae sa Septic. I didn't hold hopes high kasi baka pareho lang din but when they finally said na they had tickets, we both really got excited!

Cab to CCP where we were welcomed by a bunch of students (kasi yung iba nakauniform pa) and people from all walks, matanda bata, mejo matanda, mejo bata. We headed to Tanghalang Nicanor Abelardo where Inah Evans, Baranggay Queen was waiting for us.



P75 pesos. That's what these guys paid for. They've gone mad at paulit ulit na kinatok yung pinto ng takilyera and told her na mga estujante sila and they needed to watch the film. Naniwala naman si Ateng may busilak na loob so binigyan sila ng almost 7 tickets without een validating the IDs. haha. 





First timer sa Cinemalaya

The film was as expected, hilarious. As in OA sa tawa, lalo na when she was explaining her 3 methods of acting. Right then and there, we knew, Uge is gonna nail it again.

After the film, which needless to say, was sooo sulit, we staye at the lobby to let our spirits settle down. Picturean sa mga backdrop ng sponsors until I saw Jaclyn Jose and Andi Eigenmann. I dragged MItchi from her spot hoping that we could get lucky to have a pic taken with Ms Jose and her very pregnant kid, Andi.
Without realizing that Uge was actually in front of her.

Nobody moved a muscle. Nobody dared to raise our lowbatt phones to take her pictures, and when we finally got out of being tranced, this was what left of her image form afar:








May on-going Ronwaldo Reyes exhibit din pala sa Dream Theatre :)




And then before the iPhone finally go off, i had the opportunity to have this taken.

I am such a fangirl :)




<3



Saturday, July 16, 2011

Shlang 101

Papasok sa UP, I usually take the Ikot jeepney from Philcoa at palagi sa may estribo ako banda umuupo para mas madaling bumaba. Alam mo na, ang mga balingkinitan, haggard sumiksik sa palabas.

Eksena:

Ako: Bayad po, pakiabot lang.
(pasa. thank you. pasa. thank you. pasa)
Manong Driver: ilan tong bente?
Ako: isa lang po.
Manong Driver: ha? ilan?
Ako: isa lang ho yung TWENEE (as in twenty)
Lahat ng pasahero: *lingunan sabay-sabay*
Ako: isa lang ho yung baynte!

kerri.

Monday, July 11, 2011

Jason and JP Wedding































































































...because it would be such a shame if I try to even put words unto these snapshots.

Congrats to the Powerful Couple!

*Feliciano-Lantin Wedding
July 9, 2011, Fernbrooks*