Sunday, November 20, 2011

Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay

Walang batang 80s o 90s ang hindi nakakakilala sa kanya. Okey, siguro hindi sa pangalan pero subukan mong sabihin yung "sya yung laging gumaganap na aswang sa mga pelikula" at siguradong ang isasagot sa yo ay "ay oo, yun pala yung pangalan niya."

Mas okey na rin siguro yung kilala ka nila sa itsura kesa sa pangalan. Sabi nga sa kanta, "how could you memorize me name-- and forget who I am.." but then U digress.

Point is isa lamang si Lilia sa mga artista at icon ng Pinas na halos tuliyan nang nakalimutan paglipas ng panahon. Kaya minsan naiisip ki rin na ang showbiz ay isang thankless job (kagaya ng caregiving, di ba Ate Shawie?)

Salamat sa CinemaOne sa pagkilala sa kakayahan ni Lilia. Kung ikaw ba naman ang gaganap sa sarili mo mismo sa isang mockumentary, ewan ko nalang din kung hndi ka pa manalo.

-- congrats sa CinemaOne Originals Films! lalo na kay Mam Sari Dalena sa pagkapanalo ng Best Director at sa Best Picture niang Ka Oryang.

nasa UPFI ang CinemaOne Originals sa november 29-december 3 kaya panuorin natin please maski malayo :$

No comments:

Post a Comment