Friday, April 27, 2012

Lipat Bahay. Lipat Buhay.

Mamayang gabi, taga-Makati ako. Bukas ng umaga, pag-uwi ko, taga-Pasig na ako.

Hindi na sa Samar St. sa Pitogo kung saan labing tatlong taon kaming nagtiis sa parihabang hawla.

Siguradong mamimiss ko ang mga kapit bahay-- sila ate Mely, Ate Cely, Ate Nenet, lalo na si Ate Christy na kumare ko din, kung saan kami lumalapit kapag petsa de peligro na.
Yung mga bata, si Telo, Jana, ung mga inaanak kong sila Julia, Hannah at Mark. Si Miggy din, maski na ung dalawang magulong si Kulas at Paulo.

Malapit lang ang Pasig--kung saan kami lilipat. Isang sakay lang ng FX, 30 pesos lang.
Pero, iba pa rin ang Pasig sa Makati. Iba pa rin yung labing tatlong taon na sanay kang pumara ng taxi at sabihing, "sa may Kalayaan-Pitogo lang po. Yung papuntang C5." o kaya, "Samar 'Nong. Sa may taas.", pag sa traysikel naman.

Mamimiss ko ang lahat ng handaan at random meryenda.
Yung bigla nalang bubukas yung pinto at may iaabot na spaghetti at tinapay, Crispy Pata ni Lolo Fredo (na chef sa Bistro Remedios sa Malate), yung delivery kapag birthday ni Mama at ni Bulik. Piyesta ng Pitogo, Mahal na Araw, at Pasko! Ngayon nga, nakakalungkot, kasi kasama na din at dumadami na ang pa-40 days at Death Anniversaries.

Wala nang magdadabog na maghahagis ng binibiling litro pack kagaya ng walang modong tindera na asawa ni Mang Alex. Wala na ring kukuda tungkol sa timbang at katabaan ko kagaya ni Manang Reyes (na limampiso na mas mahal ang bentang RC kesa sa ibang tindahan). Wala nang iimbita sa Shakey's kapag birthday ni Mrs. Mendejar.

Higit sa lahat-- mahal na ang taxi fare mula sa Glorietta.

Pero kailangan nang lumipat...

Marami na kasing surot duon.
Mga surot na pagkadami-dami na hindi namin alam kung saan nanggaling.
Mga surot na hindi kami pinapatulog dahil haggrd kung mangagat, o dahil napapraning kami na baka gumapang sa mga tenga namin.
Kung saan-saan merung surot-- sa damitan, sa kutson, sa sahig, sa gilid ng dobol deck, sa bag ng camera, sa kumot. Ang dami. Kinikilabutan ako ngayon maski iniisip ko lang naman.

Pero hindi lang sa surot.
Sa labing tatlong taon na tumira kami duon, may ilang taong nakainitan na din si Papa. o maski si Mama.
Highly gregarious lang talaga si Madir kaya keri pa niya makipagplastikan. Yung tatay ko, parang ako kasi yun. Pag warla, warla. Kung hindi kami lilipat, isa sa dalawa ang mangyayari-- mamamatay kami, o makakapatay kami.

Merung kasing mga naghahari harian. Me mga isang-daang taon kung maligo sa gabi, na madalas kong ikapagdabog ng pinto kasi ako, may shift, sila matutulog lang. Akala mo si Cleopatra at kanyang mga gatas naipinanliligo.

Anjan yung mga nangangawalang mga pagkain sa communal na ref.
Mga kinakagatang chocolates na imported, o iniinumang mga softdrinks.
Yung mga tangkeng mabilis maubos kasi buong pamayanan pala ang nakikisaing, nakikiprito.

At syempre, andyan si Jepoy. Ang anak ng may-ari ng bahay na resident manyak.
Na mismong mga pinsan niya ay sinisilipan sa CR.
At yes, maski ako.
Minsan, nang mahuli siya ni Mama na nakasilip sa siwang ng pinto habang naliligo ako sa banyo, napasabi na nalang ako paglabas ko, "tangina dude, hindi mo na pinahalagahan yang imahinasyon mo.Ako talaga yung sinilipan mo teh?"
Siya din ang salarin sa mga nawawalang mga gadgets ng mga bata. PSP, Nintendo DS, may mga cellphone din ata. Nahahanap naman ang mga gadgets-- sa Guadamall, kung saan niya ito binebenta. Tapos bibilhin ng Kuya niyang anti-social na isang siglo kung maligo na si Jayson para maibalik sa mga ninakawan niya.

Pero higit sa lahat, lilipat kami dahil kay Ate Susan.

Si Ate Susan na siyang may-ari ng bahay, rather ng kuwartong tinitirhan namin.
Si Ate Susan na kaibigan ni Mama magmula pa nung Kinder ako.
Si Ate Susan na kasama ni Mama sa pioneer batch ng Pitogo Health Center bilang Barangay Health Worker nuong bandang 1993 o 1992 pa.
Si Ate Susan na nanay ni Jayson, kabatch ko nung elementary sa Guadalupe Nuevo Elementary School (pero siya section 5, ako section 1)
Si Ate Susan na nanay ni Etang, na inaanak ni Papa sa binyag.
Si Ate Susan na nakatira sa tabi mismo ng kuwarto namin at literal na dingding lang ang pagitan.
Si Ate Susan na naging karelasyon ni Papa ng may apat o higit pang taon, maski pa siguro nung buhay pa yung asawa niyang si Mang Jessie.

Hindi ko alam kung bakit natiis ng Nanay ko yun.
Hindi ko rin alam kung bakit nang may halos apat na taon nang nagdaan, nalaman ko pero hindi ako naglakas ng loob na lumipat at umiwas na lang.
Hindi ko alam kung bakit itinapon ko lang ang mga kabiyak ng sapatos nila, binuhusan ng Zonrox yung mga damit nilang labahan at nilagyan ng tubig kanal yung inumin nila.
Hindi ko alam kung bakit yun lang ang ginawa ko.

Pero kung si Mama nga, hindi nagreklamo, sino ba naman ako.
Pero ngayong medyo may pera na ako, pwede na siguro akong magdesisyon.
Maski na siguro sa paglipat na ito ay parang pag-uproot ng 13 year-old na narra mula sa lupa.

Panahon na rin siguro.
Matagal na panahon na rin sigurong dapat.

Mamayang gabi, taga-Makati ako.
Bukas, pag-uwi ko, taga-Pasig na ako.


Rockwell, Ortigas 04 24 12
7.27am


Thursday, April 12, 2012

Masyado na sigurong matagal ang 26 years para sa isang lifetime ng taong failure sa lahat ng role nia sa buhay maliban nalang sa paginflict ng harm sa ibang tao. Masyado na nga siguro akong matagal na nabubuhay.

Monday, April 9, 2012

Minsan

...kailangan natin tigilan yung pagka-emo para makamove on sa mga bagay bagay na nkasanayan natin at hindi natin maiwan pero hindi na talaga nakakabuti para sa tin.

Minsan, kailangan lang talagang magsimula ulit.