Wednesday, September 26, 2012

Senior Stylists, Haircut and Resistance

Ako: *Pinakita yung Model sa Promod na billboard*
Senior Stylist: Naku mam, masyadong maiksi yan para sa inyo. Mejo mabilog po ung mukha nio (notice euphemism), hindi ho yan babagay sa inyo. 
Ako: buong buhay ko po, apple cut o straight lan
g palagi ung gupit ko. wala po akong pakelam kung hindi bagay, pero gusto ko po un. Kung hindi, babayaran ko nlang ung shampoo (kasi nashampoo na ako), tas sa iba nlang ako magpapagupit.

SS: pwede naman po yan.
Ako: kei thanks.



Perstaym kong mag resist sa dikta ng parlorista. uhm Senior Stylist. or kung ano pa sya.
Masarap pala yung feeling na maginsist dahil gusto mo yun. Yung mahabang panahon kan hinahayaan mo nalang yung parlorista na magdecide sa kung anong hairstyle ang isport mo kasi "yun ang bagay seo". eh oo nga, expert nga sila sa larangan nilang ng paggugupit pero sinu bang mas eekspert pa sa larangan ng pagiging ikaw, kundi ikaw.

Kaya kung gusto mo ng crew cut, o skin head o apple cut na maksi, eh di yun ang ipagupit mo. Walang pakealam ang tao kung hindi ito bagay seo. At kung magsisi ka after mong gupitan, manalig ka sa fact na tutubo rin yan. 






No comments:

Post a Comment