Friday, September 14, 2012

Status Update, Iyakan at Polly Pockets

Eto yung FB status ko sa mga kaganapan kahapon.

Mejo mahaba tong status, so hold on tight: nakahanap ako ng vintage Polly Pockets online. Yun ata yung pinakamasayang moment ng taon ko at sabi ko talaga sobrang daming supresa sa kin ngayung BDay month ko. Pinusta ko yung 3 buwang walang extra rice, walang sopdrinks at babatiin ko na yung mga kaaway ko mabili ko lang yun.Ganung levels ng need.Mahirap lang kami nung bata ako at hindi ako kayang bilhan nila Mama ng PollyPocket na sobrang gusto ko kya sbi ko pag may pera na ako,bbili ako niyan-eto na yung panahon na yun kaso rare na masyado mahirap nang maghanap maski pa may pambili. Siguro OA pero nung sinabi sa kin na nabili na, umiyak tlaga ako kanina habang nakapila sa Landbank. May mga things na mbabaw sa iba pero malalim sa atin at makabuluhan. Eto na siguro yung pinakamalungkot kong birthday sa buhay ko

No comments:

Post a Comment