Thursday, December 6, 2012

Si Drayber, Si MMDA at si Mr Pobre

Nahuli yung taxing sinsakyan ko sa may Megamall. Pagbukas nya ng bintana ng taxi bungad ni driver,"Pinsan ko yung Boss nio si Pobre.Sya na lng ang sabihan nyo ha, pasensya na" "Lisensya po Ser. San po ba si Mr Pobre ngayun?", sabi ni MMDA. "Nasa opisina. Mamaya nio nlang sabihan pagreport nio, ngmamadali yung pasahero ko eh." "Ser, akina ho yung lisensya nio. Kung talagang pinsan nio po c Pobre, san ho sya nakatira?" nakasagot naman ng tsamba c driver. Pro mtagal silang nag-usap tungkol kay mr Pobre; kung saan siya nakatira, head sya ng ano sa anong departamento. Saka sinabing "Matagal na hong patay si Pobre. Naslide po yung motor nia at nabasag ung bungo. Hindi nio b alam yun?" Natigil si Kuyang driver. Siguro nagreflect siya. Medyo shocking yung balita. at medyo graphic si MMDA kung magdescribe.

Hindi ko alam kung sinu ang mas nkakahiya sa kanilang 2: yung driver ni nagkukunwaring kilala nia si Pobre o si MMDA na nagkukunwaring magpatupad ng batas.

Ako: maski sino pang kilala niyan, basta may mali, hulihin. Kundi, pipicturan ko kayu at ititweet ko sa MMDA,kaung tatlo yang magiging pobre.

Tapos,nagoverpass ako puntang mega. Baka sagasaan ako ng driver.

No comments:

Post a Comment