Wednesday, May 29, 2013

Today, May 29

Ginalit na naman ako ng very recent arch enemy ko sa mga kuda niya on the trail ng controversial na FB post. Pero dahil sinabi ko na in my previous post na hindi na ako kukuda unless he/she answers question number 4. 

Hindi ko na binasa. At ayoko nang basahin para hindi na uminit yung ulo ko. Nakakasama pa din ng loob pero I think ok na yung ganun. Nakamove on na kasi ako. 

Yung main person involved, bilang itong kuda ng kuda eh wala naman talagang kinalaman sa kwento, ay pinadalhan ko ng PM sa FB. Nagsorry ako sa kanya at sa nanay niya if it came out differently. But hindi ako nagsorry for saying what I think. Hindi ko pwedeng ipagsorry kung ano ang feelings ko. Sinabihan ko din sya na iexplain naman ng maayos at sana magkaroon sya ng bayag na sabihin ang konteksto ng lahat ng ito. Yun na. Palagay ko, sapat na yun. 

-----

Ang hirap tumahimik. Sa totoo lang. Para sa isang warlang katulad ko, sobrang effort nito. Pero natutuwa ako sa mga kaibigan at nagmamahal na nagpapayo na minsan nga mas galit pa sa kin. Sapat na yun. Move on na. 

-----

Yung rape joke ni Vice Ganda against Jessica Soho. Initially, naooffend ako kay Vice. Not that my opinion will matter pero dahil may Twitter ako, sayang naman ang chance kumuda. 

Foul, sa palagay ko yung joke. Yung magpatawa ka sa expense ng ibang tao, sa mga kakulangan at kapangitan nila, di maganda. At yung isyu pa ng rape, na pati yung Gabriela eh warla na din. Sana mas naging sensitibo siya. 

Sa kabilang banda, komedyante si Vice. Oppressive yung humor pero yung ang nakagawian nating humor-- may sakitan, anjan yung mahaba yung baba, pango, bungi, maitim-- yun ang kultura ng komedya sa atin. Kung sino man ang nagpauso nian-- oh well wala na ding sense sisihin. Pero yun na tayo. Matagal bago baguhin yun. 

Sapat na sigurong magsorry siya kay Jessica kung naoffend man niya. Tas move on na. Nasabi na niya yun eh. 

-----

Nasalang ako sa mainit na daily call kanina sa office. Andaming beses kong nanganga. Hindi ko alam kung paanong sasagot at isasagot kaya wala akong nasabi kundi fillers. 

Numero numero at numero palagi. Laging base sa numero at mga factual events dapat. Hindi dahil sabi ni ganito o feeling ko kasi ganyan. Note to self yun. 

At pagtapos ng lahat, nasabon man sa meeting dapat agad-agad magmove on na. Kasi baka bukas ganun ulit. Madadagdagan na naman yung mga sakit sa dibdib. Baka mabreakdown and cry nalang. 

-----

Happy Hamburger Day daw pala sabi ni Kitty ;)


*larawan mula sa Hello Kitty FB Fan Page

No comments:

Post a Comment