Thursday, August 22, 2013

Trainings, Kuya From IT and Epiphanies

Medyo madugo yung first day ng Training kaya hindi na muna ako magkkwento ng marami. Dun muna ako sa mga kilig worthy things. Haha. 

So sa mga kasama kong mentors before, merun kaming kinakarir na IT person, that was some 5 or 6 years ago. Minsan, maski simple lang yung ittroubleshoot, na kaya naman palang magawa na ireboot lang ang PC para gumana eh ieexagg pa namin para lang makapunta siya ops. Hihi. Hindi ko nalaman kung anong pangalan ni kuya. Lagi lang namin syang nirerefer to as "Yung Kuyang Pogi na taga-IT"-- gets na namin yun. Kalevel ng-- yung multo o aswang sa mga horror films, kapag pinapadescribe si Lilia Cuntapay. 

So today, andun sya sa training room namin, hindi para magkumpuni ng PC kundi para jumoin ng training. Anim na taon kong inantay bago nalaman yung pangalan niya kaya nilapag ko talaga yung module ko nung "introduce yourself" portion na. 

Day 1 palang ito. May 3 araw pa. Alam kong magiging productive ang training na ito sa maraming aspeto ng buhay ko hahahahahaha. 

Please don't judge me. Mahirap po yung training na ito. Hindi naman masama kung minsan eh mapakanta ka ng Whoops Kirri habang nagsseat work di ba. 

No comments:

Post a Comment