Monday, September 16, 2013

28, Eulogies at Birthdays

Maraming salamat sa inyong lahat na nakaalala, pinaalalahanan ng FB, sa nakalimot, sa sinadyang lumimot. Haha. 

Maliban sa pasko, ang pinakafavorite kong araw eh ang birthday ko. Nung bata pa ko, kasi tanging sa dalawang okasyon lang na yun ako me bagong gamit mula ulo hanggang paa. Eh kaso pag Pasko, moment ni Mang Jessie yun. So kabog pa din tlaga yung birthday mo-- moment mo yun eh. Nung mejo nag-puberty stage na, naging excuse ko na para makahingi ng pera pangshopping, at nung sumusweldo na ako, excuse na ren para bumili ng mga gamit na outrageous ang kamahalan. "Birthday ko naman eh." 

Ngayon, iba. Kasi buong araw ng birthday ko, nasa airport lang ako ng Jakarta, nag-wwifi at nagsusulat, nagbabasa ng mga pagbati at mga tribute, ng appreciation mula sa mga tao. Nakakagulat at some point kasi ganun pala yung impact mo sa kanila. 

Yung crush mo nung college, may mahabang kuda na kung nuon nia siguro sinabi baka ikinamatay mo na; yung kinakainisan mo biglang nagmessage ngayon at nagpapasalamat sa mga posts mo kasi napapasaya mo sya; yung mga katrabaho mo na hindi mo kilala at ni hindi mo alam ang boses kasi bihira lang kayung mag-usap biglang may message; at siyempre yung mga suki mo na sa araw-araw na dulot ng buhay. Ang lakas maka-eulogy kung baga. Dapat naman yata kasi ganun. Ginagawa ang eulogy kapag buhay pa yung tao-- para malaman nia kung gaano sya inaapreciate. Kaya sa inyong lahat, maraming salamat. Ang lakas sigurong maka-echos nito pero dahil lang sa pag-alala niyo nakumpleto ang araw na ito. 

Taon-taon kapag tinatanong ako kung ilang taon na ako, laging kulang ng isang taon ung sagot ko. Feeling ko, may isang taon sa buhay ko na na-spirited away ako. Kaya today, 28 years old ako. Sure yan. 

At the end of the day, gusto ko pa din ng Macbook Pro 13" retina display at GoPro at isang weekend sa Balesin-- pero in the absence ng mga materyal na bagay, sapat na nakaalala kayu. ;)

Tuesday, September 3, 2013

Pagbabaliktanaw, Pamamaalam at Pagpapasalamat

Bakit ang hirap isulat ng tribute na to. Bakit mahigit isang buwan na ang nakalipas eh hindi pa din ako nagsusult tungkol sa pag-alis mo? Hindi kasi madali. Kanya-kanya tayu ng tolerance sa pain, sa tagal ng healing process sa grief, at acceptance. Ako yung matagal makamove on sa halos lahat ng bagay-- sa pelikula, sa stage play, sa kwento sa libro o kwento ng isang tao, lalo pa't sa mga paglisan. Paglisan ng panghabambuhay.

----

Lagi tayung naguusap sa mga status sa o mga messages sa FB kung kelan tayu ulit magkikita, san ang lakad, kelan ka luluwas o kelan kami magsa-Zambales. Pero lahat drowing. Yng ib sa atin, nakasama ka pa sa Pinatubo. Sayang hindi ko na nasense yun. Pero wala ni isa man dun ang natupad para sa atin. Lahat kwento nalang. Lahat drowing. 

----

Sa totoo, hindi ko na maalala yung huli nating pagkikita. Hindi ka nagattend ng kasal nila Maan nung 2010 so alam kong hindi bababa sa tatlong taon nung last tayung magkita. Iniisip ko nga nung huli pa nating Zambales. Yung me multo-multo pang involved. Yun yung time na nalaman kong pasado pala ako sa UP Film Institute. 2009 pa yun. Ganun na katagal. 

----

Walang makakatalo sa mga pang-ookray natin sa mga sine nuon. Akala mo eh kung kegagaling nating mga critic at filmmakers haha. Anjan yung tumatakas tayu at nagsasakit-sakitan sa mga managers para makanuod ng Sweeney Todd sa Greenbelt. Yung bawal magkuda na nanuod tayu kasi magagalit yung iba na hindi sila sinama. Hindi pa uso yung status status masyado sa FB nuon, kagaya ng sa ngayon kaya hindi pa ganun kalagot. Hehe. 

----

Pinilit ko sanang wag kang tingnan habang nasa kahon kang dulot ng paglisan mo, pero anlayu palang, tanaw na kita. Hindi rin sana ako iiyak kung hindi ko narinig, pagdating palang namin, yung Together Again sa slide show na inihanda para sa iyo. Kaya ayun, iyak tawa kaming lahat, parang mga baliw. Pero batid ng lahat na mabigat para sa lahat sa amin ang magpaalam. Hindi namin lahat inaahasan. 

----

Nalaman ko ang pagkawala mo nung tinext ako ni Maan, habang nasa opisina, habang nagkukumahog kaming maginterview ng mga aplikante. Buti nalang nung nabasa ko yung text niya, huling person na yung na iinterbyuhin ko para sa gabing yun. Nung kinumpirma ni Maan na ikaw nga, hindi ako nakahinga at kinailangan kong lumabas ng board room, at iwanan dun sa dalawa kong kasama yung interview. Umiyak ako sa CR. Dumating yung Senior Manager ko at nagtataka kung saan ako nagpunta. Inexplain ko naman pero very wrong yung eksena kong yun. Naintindihan naman siguro nia, at maski alam kong hindi maganda ang past niong dalawa bilang manager at supervisor nia, palagay ko napatawad ka na rin niya. Matagal na din kasi yun. 

----

Ikaw yung isa sa mga pinakamalalapit kong kaibigan ever. Yung isang sulyapan palang, alam na agad kung ano yung tinatawanan; yung kapag tahimik ako alam mong may pinagdadaanan ako kaya mas lalo mo akong binubwiset; yung kahit magkalayu tayu ng matagal, pero kapag nagusap sa kung anong platform man yan, parang kakakita palang natin recently. 

Brutal kang mag-joke, pero ni minsan, hindi ako napikon. Prang unwritten rule yun eh-- pag tayung dalawa, bawal mapikon. 

----

Mahal na mahal kita Jai. 
Pero hindi ako magtatanong kung bakit kelangan ikaw na agad ang kunin. Kasi siguro, yun lang talaga ng laan sa yon panahon. Malaking pasalamat ko nalang sa mga araw na nakasama kita at nalaman ko kung anong pakiramdam na maging kaibigan mo. Hindi ako kailanman makaka-move on. Patuloy akong mangungulila sa pagkawala mo, pero palagi kong iisipin na matagal lang tayu hindi nagkita. Para hindi ganun kalungkot. 

----

Nung papunta kami sa Olongapo para sulyapan ka sa huling pagkakataon, mula Maynila, naka-eye patch ako. Kasi, naalala ko, alam mong matatakutin ako kaya lagi mong sinasadyang sumilip sa bintana sa side ko kapag bababa at uuwi ka na. Ayokong sumugal. May capability ka pa namang maging ganun. 

----

Magiging ok kami dito. Wag kang mag-alala. Matapos ang lahat ng ito, ok na ang lahat. Masaya kami para seo at payapa ka na. At yung mga hindi mo nagawa dito, sana kung nasaan ka ngayon, pwede mo nang gawin at maexperience. 

Palagi ka naming iisipin, kung may panahon at pagkakataon. Pangako yan. 
Palagi kang nasa mga puso namin. Hindi na yung magbabago.

Monday, September 2, 2013

Me Time, Writing and Lost Thoughts

I finally got the chance to have my time to write away from home. Don't get me wrong, I'm not trying to be that eccentric writer that needs to have ambience and the correct temperature in order for one to write something, but you know when you are at home there's just so many distractions including my perennial nagging mother to interrupt when your have finally thought of something. Then the idea goes away forever. Lost in the million other snippets that you failed to elaborate or write something about. So here I am in the cold corner of Starbucks, hoping to be acquainted with my long lost thoughts again. 

Much has happened that i failed to document. I fear I might forget How I felt and reacted so the next few post shall be my documentation. I will try my best to remember.