Friday, January 10, 2014

Confidence, Push mo Yung Dreams Mo and 60 minutes Shining Moment

Kinukwento ko kay Mitchi kung gaano ako ka-confident nung bata pa ako. Gusto ko kasi talagang maging majorette nung gradeschool. Nuon, hindi ko maintindihan kung bakit ayaw akong pasalihin sa mga majorette ng drum and lyre corps namin. Feeling ko talaga acceptable yung figure kong maging majorette. Hindi ko alam kung wala lang nangahas na nakapagsabi sa akin o hinayaan lang talaga nila akong maniwala na hindi ako mataba para magmajorette. Haha. Feeling ko talaga hindi ako mataba nun. But of course, I was never little. Nung nagsimula akong mag-aral, Parisian na kagad ung sapatos ko, ni hindi ako dumaan sa SM kids. Yung mga tshirt ko Blowing Bubbles na agad-- hindi man lang Snoopy ganun.

So eto na, balik na tayu sa majorette things. Lyre ang tinutugtog ko nung gradeschool. Inaaral ko sa bahay ng mabuti yung piyesa ng mga tugtugin namin. Para alam ko na pag practice, at habang nagaaral palang sila, ako andun na chumichika sa mga majorette at inaaral yung mga da moves nila. Pero ayaw nga kasi ako pasalihin. Ang kuda ni Sir Payte, ung coach namin, magaling daw kasi akong tumugtog at magsaulo. Dun nalang ako sa mga naglalyre.

Dumating na ung araw ng sukatan ng costume. Lalong lumukso yung puso ko nung malaman kong Sailormoon yung uniform ng mga majorette. Orange tsaka green-- kulay ni Binay yun kasi. Pero kebs na, sa isip ko, Sailormoon yung kanila. Sobrang favorite ko si Sailormoon. Kaso, yung aming mga lyrist, boring na puting skirt at polo. Pero wala, hindi rin talaga ako nakalusot. Hindi naman din ako nalungkot pero hindi pa rin ako naggive up sa pangarap kong maging majorette.

One time, Nutrition Month yata nun. Absent ba o nasa ibang contest yung lahat ng majorette namin. Walang magllead ng banda. Chance ko na yun. So, sumimple ako dun sa coach namin, sabi ko ako nalang, alam ko yung formation nila (maski wala namang mgaganap na formation kasi nga wala ngang majorette na iba). "Eh panu ka naman mag-mmajorette eh wala ka namang baton?" "Wait lang po." Muntikan siguro syang mahimatay nung nakita nia yung sparkly shiney kong baton na nasa bag ng lyre ko all the while.

And yes, once upon this dreamer's life, almost two decades ago, naging majorette ako for an hour or so. Wala siguro masyadong makakaalala nun pero ako, sobrang linaw ng moment na yun.

Ayun. Share ko lang.

No comments:

Post a Comment