Wednesday, January 8, 2014

To make other people's lives easier.

Kada simula ng taon, naglilista ako ng mga gusto ko puntahan, gusto kong maexperience, san pwedeng bagong kainan. Naggive up na ako sa cliche na new year's resolution kasi hindi ko naman talaga nagagawa. Pero yung ultimate kong gustong gawin, at maging guide sa araw araw eh yung "to make other people's lives easier".

Hindi sya SMART goal i know. Hindi sya specific, hindi sya measurable, pero palagay ko attainable sya at somehow realistic, at hindi rin kailangang time-bound. Ayoko namang isipin na, gusto ko lang gawin to hanggang gantong taon lang or hanggang next year, gusto ko sana palagi lagi. Kaya lagi ko tong inaachib na maachieve. Hindi perfect kasi may mga moments pa ding nagiging pasakit ako sa buhay ng ibang tao-- emotionally and other --ally. Pero lagi akong nagsstrive to do it. 

"To make other people's lives easier." Ambigat. Ang hirap, pero pwede. 

*yung statement na yan ay hindi ko original. Nakuha ko pang sa trainer ko nuon at nag-agree lang ako na applicable naman sya, at at will, pwede namang gawin. 

Epekto na to ng paracetamol. 

No comments:

Post a Comment