Friday, January 31, 2014

Interviews.

Kasabay ng pagcompile ko ng mga Ops interview bloopers, ginagawa ko din yung seryosong article about the basic do's and don'ts during interview sa Call Center. Baka sabihin naman ng mga epal jan eh I'm just making fun of these. 

I don't claim to be an authority pagdating sa interview portion. Bukod sa isang 2-day workshop and cerification sa Behavioral Interview, wala naman akong background sa interview portion. Pero dahil tawag ng tungkulin-- maging Lead ng isang LOB na kung mag-ramp every year eh one million, at ngayung manager naman na at syang nago-Ops validation, malaking portion ng konting kaalaman ko eh galing sa experience. 

Hindi masaya mag-interview. Sa totoo lang. Yung mga pinopost kong bloopers dito, nagkakataon lang na me comic relief. Apat-limang oras sa isang shift kami maginterview lalo na kapag ramp. Walang tayuan yun. Minsan, maski alam na naming bagsak, papatagalin lang namin kaunti para lang makainom ng tubig o kape. Paulit ulit ang questions. Lalo na kung may specific na target profile kang hinahanap. (Naks naman sa target profile).

Hindi masayang maginterview. Hindi best feeling ang mag-break it to me gently ng balita sa aplikante na kansel sila. Minsan, talagang magaling naman, kaso hindi lang yun ang profile na hinahanap. Minsan, kansel talaga. Pero sige nga, pano mong ibbreak-to-me-gently ang balita sa first time applicant, full of energy and hope and confidence na waley sya? Habambuhay niang maalala yung moment na dinecline mo sya sa pinakaunang attempt nia. Eh panu kung mapagpaniwala pala sya sa signs? At yun ang sign na inakala nia. Gets mo? 

Minsan, two or three years ago, may ininterbyu ako. Nakapasa sya. Pero ginabi na sya ng uwi kasi sooobrang dami ng initerbyu ko. Nagsign sya ng JO nia at nagthank you pa sya sa akin nung gabi na yun. Nung gabi ding Yun yata, habang tumatawid sya sa Meralco Ave., nahit and run sya ng pampasaherong jeep na nagbeat ng red light. Nadala pa sya sa hospital pero namatay din eventually. Nakilala lang sya kasi nakuha sa kanya yung envelope niang 'I just got hired in Aegis!'. 
Umiyak ako nun ng matagal. Inisip ko, kung binilisan ko ba ung interview, nakauwi kaya sya ng maaga? Kung hindi ko kaya sya ipinasa, uuwi na kaya sya at magaapply nalang sa Trend Micro sa taas? Pero siguro, hanggang dun nalang sya. Hindi pa ako nakakamove on dun.

Hindi masaya mag-interview. Pero trabaho ko yun. Hindi best job ang mag-interview, pero sa interview, maraming kwento. Maraming kwento na hindi alam ng marami kaya ako nalang ang magkkwento. ;)

No comments:

Post a Comment