Sunday, April 20, 2014

Tuesday, April 1, 2014

Japan

Hindi biro itong byaheng Japan na to. Financially, kelangan syang paghandaan kasi nakakacardiac arrest talaga yung difference ng mga bilihin and all. Yung venti mong kape sa Starbucks, 140-150 duon 250-300; flag down ng cab 300-350 depende kung nasaan ciudad ka ng Japan. Yung 500ml na coke sa pet bottle na 25-30 pesos eh 75-80 pesos duon. Example lang yan. Tinigilan ko na magconvert after kong ma-multiple bypass operation. 

Sa mga hindi physically fit kagaya ko, na maximum distance ng nilalakad ay pantry to workstation lang, kelangan magprepare din. Walang traysikel sa Japan. At bagamat napakadali at napaka-well thought ng train and subway system nila, kelangan mo pa rin maglakad. Kung bet kong kumulture, kelangan mong malaman na ung mga castles at temples ay bihira ang nasa kapatagan. Lahat nasa kabundukan at kailangang akyatin-- maski yung pinakafavorite kong Fushimi Inari Shrine na nasa labas lang mismo ng train station eh inakyat pa rin namin para lang mag-umarteng Sayuri among the torii gates. On certain parts of the year, bilang four seasons sila, napakalamig. Dun ko narealize yung essence ng 'biting cold'. Mapapamura ka. Eh spring pa ngayon, panu nalang kung winter. 

Kelangan mong magadjust sa kanila. Bansa nila yun. Wag kang umarte. Tatayu ka sa bus o train kapag may matanda regardless kung makakalas na sa binti mo yung mga paa mo; lilinisin mo yung pinagkainan mo maski gaano pa kamahal yung bill mo; bubuhatin mo yung mga bagahe mo para ilagay sa trunk maski pa walong beses na sing mahal ng flagdown nila ang dito sa atin; ipaplastic mo ung mga grinocery mo maski na pinagbayad ka pa ng ekstra para sa plastic; kung hindi ka nila maintindihan sa ingles mo, wag kang magpapakita ng frustration sa kanila, magcharades ka kung kinakailangan. 

Pero napakaganda ng Japan para sa matakot ka sa pagpunta. Pwedeng bumiyahe sa Japan ang sampung taong gulang na mag-isa basta marunong syang magbasa; kung bulag ka, hindi ka nila papabayaan na mabangga dahil lahat ng kalsada, estasyon ng tren o airport may linyang gagabay seo. 

Higit sa ganda ng kultura at mga pupuntahan sa Japan, bibigyan nia ng closure yung mga pangarap mo nung bata ka pa-- sila Sailormoon, Hello Kitty at ang lahat ng Sanrio characters, Tamagotchi, Detective Conan, Astro Boy at Kimba pati sila Doraemon at tropa nia. Maski yung kanluraning Disney, naisip na rin nila para seo. Yung Bandai, Sega, Nintendo at marami pa. Magready kang maging emosyonal sa napakaraming pagkakataon.  

Pamamanghain ka ng mga Sakura at papaalalahanan ka kung gaano kaganda ang buhay-- dahil gaya ng pamumukadkad ng mga sakura, ang buhay ay fleeting, hindi laging anjan. Kaya sya spectacle kasi hindi sya nandyan palagi gaya ng santan at gumamela. 

At higit sa lahat, marerealize mo (or ewan ko lang ha, kasi ako oo) na matagal nang may pitak ang Japan sa puso mo. Maski nung bata ka pa. Mavavalidate mo lang ulit. At masisinghot, madadama first hand. 

Ibook mo na yan. ;)