Friday, May 23, 2014

I Was Never Little

Kwentuhan kanina sa opis about how my friend, Nelson na pinakyaw lahat ng sakit sa hospital, is already gaining weight. Sabi niya, 60 kilos na daw sya now from 52 nung lumabas sya ng hospital. I was like, "60? Ngayon? Eh ako nung naging timbang ko yung 60 parang grade three palang ako eh." "Grade 3?? Sobra ka naman teh." "Bakla, I was never little." Which is true. Kasi ginamit lang yung description sa akin na 'little' nung fetus ako. After nun, SM Teens na agad. Blowing Bubbles, Petit Monde and Pink Soda na agad. Walang Osh Kosh o Snoopy. 

Pinakadreaded day ko sa school year yung timbangan at sukatan ng height. Ok lang sa height, kasi until, I think, Grade 5 ako, ako pa yung pinakamatangkad sa class namen. Pero, naturally, ako din yung pinakamabigat. 

Isipin mo yung kapag ako na yung tatawagin ni Mrs. Claudio, gusto kong bulungan na, mam, pwede ba mamayang after class nalang ako? Pero wichels. At animo'y spectacle, lahat ng classmates ko nakapalibot sa akin at sa timbangan. 

Pagtapos makuha yung timbang ko, sasabihin nung mga patpatin kong classmates: "Ha?!? 60? Mam! 60 po si Karen! Uy kami nang tatlo yun ah." Magaakbayan at magtatawanan pa yung mga bulate. 

Bakit ko nakwento? Kasi kapag nagkkwento ako tungkol sa kabataan ko, lagi ko sinasabi consciously, "when I was a kid..." Kasi I was never little. Haha

No comments:

Post a Comment