Sunday, May 25, 2014

Love.

Ito yung pinakafavorite kong kuha nating dalawa. Di pa uso ang selfie nuon. Or at least hindi pa tinatawag na selfie yung mga ganyan. Nagaabang tayu ng jeep papuntang Ayala niyan I guess, sa me triangle sa Buendia, malapit sa Tropical. Mejo mataba ka pa rito, at ako di hamak na mapayat pa ng kaunti. :)

Sorry at yun palang lunch natin some four Christmases ago sa Alabang ay syang huli na nating pagkikita. Pero alam ko, mahigpit kitang nayakap nuon at totoong masaya akong nakasama ka. Kaya nga kami umeffort na sa Alabang magkita kita maski lahat kami ay taga-Makati, kasi ilang Christmas na rin yung nalaktawan mo, kasi hindi mo na kayang bumiyahe mag-isa.

Pasalamat pa din ako sa lahat ng mga pagkakataong nagkasama tayu sa mga lakaran, tawanan, at kainan. Sana masaya ka na ngayun at wala nang dinaramdam.

Mahal ka namin. At patuloy na mamahalin maski wala ka na.

No comments:

Post a Comment